Persona

"Miss na kita."
Ang bati ko sa kanya.
Antagal na ng huling pagkakausap namin. Kagabi yata bago kami matulog.

Nagkita kami ngayon. May halik pa sa mga labi habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.
Hinawakan ko siya sa kamay. Pinisil ito. Pisil na may maalab na init ng aking pagmamahal.
Tinitigan ko siya.
Siya nga lang. Wala ng iba pa.
Naalala ko pa, kabado siya nang una niyang masilayan ang aking pinagmulan.
Siya lang ang tangi kong ginustong makasama rito.
Sa baway kaba niya, pilit ko siyang pinapakalma. Tinitigan sa mata. Siya talaga. Ang aking nais na kapiling.
Sa bawat tagpo. Sa bawat sandali. Wala akong ibang naisip, kundi siya.
Sa bawat lakad. Sa bawat pawis. Sa bawat paglalakbay. Siya pa rin.
Napakatamis.
Napakatamis ng bawat saglit.
Napakalalim ng emosyong pinaghuhugutan.
Napakalalim ng emosyong pinagtamnan.
Siya nga.
Wala na talagang iba.
Tinitigan ko siyang muli.
Sa huli, sana ay hindi ako magkamali.
Sapagkat hinding hindi na maaari.
-----------------
There are times... that I ponder... and overthink.. if... I’m walking... the right path....
-----------------
"I'm your home, and your harbor. Your end point. Not a station along the way. Not a gamble, or an experiment.
You'll come to me when you know that. But don't come to me before.
Which means -- for now -- don't come to me." --Gambit to Rogue
 
tumblr_ldph05Hxz71qaqmn1o1_500