Munti

minsan ay may isang punla
sa batong malumot naitanim
munting ugat nito'y
pilit ikinikapit

sa matigas na pedestal
ipinilit niyang tumayo
at ang kanyang pag-usbong
ay mistulang totoo

ang malalambot na tangkay
kumampay nang maigting
at sa pagpatak ng ulan
pangarap nya'y
walang awang natangay...