Home Top Ad

Responsive Ads Here

skuL days.. (Chapter 1)

Chapter 1

First day of school, Lunes ng umaga…

“Ma!! Bakit di mo ko ginising?? Alas-7 na. Late na tuloy ako..”

“First day naman ngayon. Walang late-late.”

“Eh kahit na, bka may announcement sa flag ceremony.  Tapos maghahanap pa ako ng classroom ko.”  Sagot ko habang nagmamadaling mag-almusal.

Yan ang senaryo sa unang araw ko ng pagpasok. Nagmamadali kasi late.  Naalala ko, hinatid pa ako ni kuya sa eskwelahan noon. Takot kasi ako sa tren. Baka masagasaan ako.  Madami ring iskwater sa lugar na iyon. Takot ako kasi hindi nalalayo sa iskwater ang lugar na tinitirhan ko.

Andaming pumapasok. Parang may pila sa gate. Ang iskwelahan ko kasi ay nasa campus rin ng mga kolehiyo.

“Ayos pala guard dito, hindi nagche-check ng id.” Sabi ko sa sarili ko pagpasok.  Habang binabaybay ko ang daan papasok, kinakabahan at namamangha ako at the same time. Anlawak ng campus.  Andaming tao.  Andami rin nakapaskil sa paligid. WELCOME FRESHMEN!!! –by fraternity  WELCOME FRESHMEN –by aktibista  WELCOME BAK STUDES!! –by grupong singalong PATALSIKIN NG BONGGA ANG JOLOGZ NA ARTISTA!!! –by order.  “Grabe,” sabi ko “ang aaktib ng mga tao dito”.

Matapos ang aking nakahahapong paglalakbay sa campus, narating ko rin ang aking pakay – ang hayskul building.  “Late ba ako o hinde?” tanong ko sa sa sarili ko. Nakita kong maraming hayskulers sa paligid, gayunpaman, may mga nagkakLase n rin sa iba’t ibang klasrum.  “Saan nga ba ang rum ko dito?” tinungo ko na ang unang hilera ng mga classroom. Wala roon.  Tumawid ako pakabila at nagtanong sa isang estudyante.  Tinuro nya ang kabila pa. Napatanong uli tuloy ako, “May room pa po ba doon??” Tumawa lang siya at sumagot, “Oo naman. Doon ang room ko dati.”

Pagdating ko sa aking classroom, nakita kong nag-uumpisa na ang klase.  Isang lalakeng kalbo ang titser ko. Huminga ako ng malalim at nag-isip kung paano kakatok, at naisip kong English dpat ang bati ko.

“Good morning, sir! Is this the room of I – dahlia?”

“Good morning.” bati nya sabay lingon uli sa klase “again. . .”

Aba! Hindi na nga sinagot ang tanong ko, pinaulit pa ang pagbati ko. Mali ba ang english ko?? “uhmm.  Guhd mowrneeng , sir. Iz deez the room ov I – dahlia?”

Tawanan ang buong klase. “I was not asking you to repeat, I’m asking the class where was I.”  tawa rin si sir sabay senyas ng pasok.

Ang ganda ng first day ko, late na nga ako, tinawanan pa ako ng buong klase. Pero ayos lang, nakapili nman ako ng mauupuan. At syempre pa, ang pinili ko ay katabi ang pinakamagandang tsikas sa tingin ko. Nagmasid-masid ako sa paligid. Mukhang bigtime mga kaklase ko.  Lahat sila ay matamang nakikinig sa titser ko, ibang-iba nung ako’y elementary pa lang.  Datapwat ganun nga, makikita mo pa rin kung sino ang mga maykaya sa wala, iyon nga lang, hindi mo pa rin matutukoy kung sino ang mukhang bobo at sino ang mukhang matalino. Lahat mukhang may ibubuga.

Natapos na ang unang klase, hindi ko nakilala ang titser ko. Nahiya nman ako magtanong sa katabi ko dahil baka pagtawanan uli ako. Ang sagwa nman kasi ng pasok ko. Gusto kong tumayo nung mga oras na iyon, pero parang may pumipigil sa akin. Wala akong nakikitang tumatayong kaklase ko. Tumayo pa rin ako at sinubukan kong lumabas ng classroom.  Sa aking gulat, nagkasalubong kami ng titser kong maputi at medyo chubby na papasok ng classroom at ako nama’y palabas.  “Where are you going mister?  Isn’t it your English time already?” Hindi na lamang ako sumagot at naupo na lang, muntik na kasing dumugo ang ilong ko ng marinig ko siyang magsalita.

Matapos ang napakahabang tatlong oras, breaktime na. Yahoo!! Kaya lang may problema, sa laki ng campus, hindi ko alam kung saan ako bibili ng pagkain. Buti na lang at may baon ako. Sa loob na lang ng classroom ako kumain. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas, may mga classmates na akong bumalik ng classroom - pati ang katabi ko. “Ay may baon ka?” tanong nya. Tumango lang ako at hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Hindi na ba uso sa highschool ang Lunchbox?

Klase na ulit. Mukhang suplada ang sumunod kong guro. Lahat ng kalat sa classroom nakita nya. Pinatayo nya kming lahat at sya daw muna ang mamumuno sa panalangin. Siya si Ma’am Feliciano, ang titser ko sa Filipino. Nangiti ako sa naisip ko, “Bagay ang pangalan nya sa subject nya ah!” “May nakakatawa ba iho?” paglapit nya sa akin. “Wala po ma’am” may halong takot kong sagot. “Eh bakit ka nangingiti d’yan? Naku ha, delikado yan.” Tawanan ang buong klase.  Nagjo-joke ba sya? Eh parang sarcasm un ah! Tahimik na lang uli ako at napagtawanan na naman ako.

Tatlong oras na naman ang aking hinintay bago mag-uwian.  “Oh, uwian na.” sabi ng matangkad kong gurong c mam Sy. Sya ang teacher ko sa last subject namin.  Nagulat ako sa sinabi nya, akala ko kasi babalik pa ang adviser namin at ia-assign kung sino-sino ang magiging cleaners. Hindi na pala uso yun sa highschool. Sa pag-uwi, doon pa lang ako nagkaron ng mga kakilala. Wala naman sa kanila ang nagpa-alala kung gaano kasaklap ang first day ko.

Ready na ba ako para bukas?? Muni-muni ko paLabas ng campus..


skuL days.. (Chapter 1) skuL days.. (Chapter 1) Reviewed by flame028 on 3:15 AM Rating: 5

1 comment

  1. d p po tapos.. pero open n po for comments.. kahit ano, maganda panget harsh kahit ano.. ^_^ weLcome po magcomment.. and pLs comment.. nsa kamay ng mga magcocomment ang pagtutuLoy nyan.. ^_^ tnx tnx

    ReplyDelete