Ikaw pa rin

Nakikipag-usap ako sa isang kaibigan kani-kanina lang.  Ang usapan?  Panliligaw, pag-ibig.  Maraming ikot ang kwentuhan pero nakapagbitaw pa rin ako ng linya na tumimo na malamang ay hindi sa kanya, kundi sa akin:

"Kung may nagbago sa kanya pagkatapos mong gawin ang pagpapapansin mo, sa'yo dapat wala.  Kasi, minahal mo naman sya dati ng kung sino s'ya at hindi dahil sa kung ano ang trato n'ya sa'yo noon."

"Kaso kung nagbago ang pagtingin mo sa kanya ngayon dahil nagbago na ang lahat sa inyo, Hindi mo siya mahal, hinahangaan mo lang siya noon."

Pagkasabi ko ng mga katagang yan, walang ibang pumasok sa isipan ko kundi ikaw.  Mula pa noon ay hindi na nagbago ang pagtingin ko sa iyo.  Nung mga panahong parehas pa tayong may sari-sariling buhay kapiling ang ating mga minahal. Mga panahong parehas na muling nag-isa at nawalay sa kasintahan.  Mga panahong nagtapat ako sa iyo ng pag-ibig. Mga panahong parehas tayong naging masaya. Mga panahong naghiwalay rin ang ating mga landas.  Muling nagkasama subalit may iba akong kapiling. Muling nagkasama subalit may iba ka na.

Wala na 'kong ibang naisip kundi "Ikaw". Ikaw pa rin.

 "Wala pa ring nagbago sa'yo pagkatapos kong magpapansin, at wala pa ring ipinagbago ang aking pagpapapansin.  Kasi mahal kita kung sino ka, hindi kung anuman ang pinagdaanan natin."

"Hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo kahit napakarami na ng nagbago at nagdaan sa atin.  Hindi lang pala talaga kita crush at hinangaan dati, tunay pa rin pala kitang minamahal."

Ikaw.  Ikaw pa rin.


tapos,


*******************************


Video grabbed from youtube. It isn't mine.