Home Top Ad

Responsive Ads Here

♥Regularization & Promotion

“Kinakabahan ka pa rin?”

“Medyo na lang”

“hahahaha”

“O, bakit ka naman natatawa?”

“hahaha. Wala. Ang cute mo. Hahaha!”

“Loko. Batukan kita d’yan eh. Haha!”

“Di mo naman kaya.”

“Oo na. Dinner tayo?”

“Sure! Tara.”

“Saan mo gusto?”

“Sa puso mo! Hahaha!”

“Corny mo. Hahah! Gutom lang yan. Tara na nga!”

-----------------------------------------------

Matatamis na ala-ala.

Yan ang nasa isip ngayon ni Ethan. Pilit pinapasaya ang gabing ang hirap makatulugan ng maluwag sa kalooban.  “Mahal na mahal ko talaga siya noon pa man.” Kasunod ay ang malalim niyang buntong - hininga.  Nakahiga siya sa kanyang kama. Nakatingin sa kisame kahit walang nakikita. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa poste sa labas ng bahay na nakapapasok lamang sa pagitan ng bintana at kurtinang hindi lubusang nakasara.

Madilim ang paligid. Pipikit siya, tapos didilat. Pabaling-baling sa higaan. Hahawakan ang cellphone, sisilipin kung may text message, “wala pa rin.”  Bubuksan niya ang messages, sisilipin ang huling mensaheng galing kay Audrey, sabay tap ng reply:  “I’m sorry na illy.. I dunno what happened.. I dunno y dis is happening..  it’s painful na… “ Hihinto. Mag-iisip. Hindi pa rin niya ito ni-send, bagkus binura pa niyang muli ang lahat ng kanyang inilagay.

“Wala pa rin talaga.” Si Audrey naman habang tumitingin sa cellphone nya. Hinihintay kung may isang text or missed call man lang s’ya na galing sa kasintahan.

“Nakakainis ka naman! Nandito ka nga pero parang wala ka rin. You know what, mga 33 times mo ng sinilip yang phone mo sa loob lang ng sampung minuto.” Pagalit ni Christina. “Hindi ka ite-text ng magaling mong boyfriend dahil baka nagpapakalunod na sa beer yun!”

“Oo nga. Sabi mo ‘di ba? He doesn’t seem to care anymore. So what do you expect? Shot na lang natin yan. Magkakabati rin naman kayo kung magkakabati kayo.” Sabay salin ni Rachelle ng brandy sa isang shot glass. Isa rin siyang kaibigan ni Audrey.

Malalim na buntong-hininga na lang ang naisagot nito. Nangingilid ang luha sa mata. “I miss him. Nakakainis na.” sabay yakap ng mahigpit sa isang throw pillow na hawak n’ya.

Tuluyan nang dumampi ang luha sa kanyang mga pisngi.

Kasabay nito ay ang pagtunog ng cellphone n’ya.

Nagkatinginan ang tatlo.  “Open mo na. Baka si Ethan na yan.”  pagkayakap ni Rachelle sa kaibigan.

Hindi naman umiimik si Audrey. Nakayakap pa rin sa unan, at lumuluha. Umaasa siyang si Ethan na ang nagtext sa kanya. Umaasang matatapos na ang tampuhan nila, na manunumbalik na sa normal ang lahat.

Si Christina na ang bumasa ng message. Hindi maipinta ang reakyon ng mukha  nito.  “You know what? This is crazy…” Sandali siyang tumahimik at napataas ang kilay.  Napatingin ng sabay si Audrey at Rachelle sa kanya. “ Saan mo kinuha itong 1,025 rewards points mo?”

“Eeeeiiiiii…. Nakakainis ka!” Hindi malaman ni Audrey kung iiyak ba o matatawa sa naging eksena.  Sumimangot siya sabay bato ng unan kay Christina na agad naming naiwasan ng huli.
“Grabe ka naman kasi, dre.  Saan mo nga ba naman napulot yung ganung kalaking points?  Mine is about 40 plus lang! Haha!” Si Rachelle.

“Isa ka pa, um!” sabay palo ni Audrey ng unan sa mukha ng katabi. “Hey! What’s that for?” reklamo nito.

“Akin nga seven na lang eh! Haha!” sabay bato din ng unan kay Rachelle.

“Bakit ako na naman?” si Rachelle ulit.

“Wala lang.” sabay ngiti ng makahulugan ni Christina.

“Pillow fight!” sigaw ng tatlo.

Lumipas ang gabi ng halos walang tulog ang magkakaibigan.  Ganun din si Ethan. “Malas lang at may pasok pa. Bakit ba kasi ngayon pa natapat yung OT ko.” Wala sa mood na pagbangon nito sa higaan. Pinulot n’ya ang cellphone sa side table at sinilip ang oras. “Wala pa rin.” Pero napag-isipan na rin niyang i-text ang kasintahan. “Good morning illy.” Matapos ay kinuha na niya ang bath towel at dumiretso ng maligo. Pagkabihis ay hindi na rin nya naisipang mag-breakfast. Sumilip ulit sa phone bago n’ya ito binulsa. “Wala pa rin.”
Pakiramdam ni Ethan ay napakabilis ng kanyang naging byahe papasok sa trabaho. Masyado kasing naging preoccupied ang isipan n’ya ng tampuhan nilang magkasintahan.

“Good morning illy!” Ang pakutyang bati ng dalawa kay Audrey.

“Nagtext na oh. Reply na!"

“Anong sasabihin ko?” sagot nito.

“Eh di mag-good morning ka rin!” Si Rachelle.

“Good morning din illy!” at nagsabay pa ang dalawang magkaibigan habang nagtatawanan sa pagtukso kay Audrey.

Nag-text na lang ito ng walang kibo.

“I miss you.”

“I miss you.” Yan din ang mga salitang nasa isip ni Ethan habang binabasa ang text ng kasintahan. Ito rin ang mga huling salitang narinig n’ya bago pa sila nagkaaway. Mga salitang paulit-ulit ring namumutawi sa kanilang mga labi sa tuwing sila ay nagkakausap sa telepono at matitigil dahil kailangan na muli nilang magpatuloy sa trabaho. Isa sa mga huling salita na kanilang binitawan ng huli silang magkita at magkasama.

“Kelan pa nga ba ‘yung last time na lumabas kami?” tanong ni Ethan sa sarili.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng sila’y nagkapalagayang loob simula pa noong na-hire sila sa bagong trabaho at nagkaroon ng orientation. Mga magagaling na silang regular employees ngayon. Si Audrey ay napipisil na agad para sa isang promotion samantalang si Ethan nama’y kaliwa’t kanan ang pag-pirate ng mga kalabang companies.

Naging sila pagkaraan ng simula ng taon. Bagong taon, bagong trabaho, bagong buhay - buhay na may tunay na pag-ibig. Naging masigla ang umpisa ng kanilang taon gayundin naman ng kanilang relasyon.  Palitan ng chats at emails ang isa sa mga naging libangan nila; Texts at calls naman pagkatapos ng work; Bigayan ng mga malalambing na status sa Facebook at Twitter bago matulog; at kung may pagkakataon ay nanonood ng sine, gumagala o kaya’y kumakain sa labas. Halos perpekto ang takbo ng lahat hanggang sa muling umabot ang pagtatapos ng taon.

“Ano ba kasi ang nangyari sa inyo?” tanong ni Mitch kay Ethan. Common friend siya ng magkasintahan. “Eh parang nitong huli lang ay okay pa kayo ah! ‘Di ba nga nagdate pa kayo?”

“Ayun na nga. Dun na nga nagkalabuan. Nagkalabasan ng sama ng loob. Misunderstanding siguro.” Sagot niya. “Alam mo yun? Excited kami pareho na magkita ulit pero nung and’yan na, sabay na nagkainisan dahil sa ewan ko ba. Malabo eh. Magulo.”

“Tiiiiitttt – Tiit – Tiit!”

“Tapos magja-jam pa ‘tong pesteng printer na ‘to! Hindi na lang makisama eh!” padabog na pag-ayos ni Ethan sa common printer nila.

“Pare, I guess you should take a break na lang muna.” Si Edward, isa sa mga closest friend ni Ethan sa department nila.

“Yeah, I guess I deserve it. – a break.” Makahulugang paglabas ni Ethan sa floor.

“Hindi pa siya sumasagot sa text ko. Ano ba’to? Bakit magte-text siya ng good morning tapos hindi naman sasagot sa reply ko?” naiinis na bunghalit ni Audrey sa mga kaibigan.
“Kumain ka na nga lang d’yan at magcoffee, baka natagalan lang yun sa pagreply sa’yo noh! Ikaw rin naman kanina ambagal mong magreply.” Habang patuloy si Christina sa pag-asikaso sa mga kaibigan.

“Baka naman nagising lang yun tapos nakatulog ulit kasi nga lasing kagabi?” Habang umiinom naman ng kape si Rachelle.

“Or baka naman may lakad ‘yun ngayon? Magpapalipas ng sama ng loob? Tapos nakalimutan ka niyang i-text. Ganyan naman talaga ang mga lalake. Sa umpisa lang magaling. Tapos pag magkaaway na kayo ang gusto pa, ang mga babae ang susuyo kahit sila na ang mali.”

“Uunahan ka pang magalit ang sabihin mo!”

“Tamaaaa.”

“No. Ethan’s at the office. I remember before kami naghiwalay last week, nasabi niya na OT ulit siya this Sat… today.” Malungkot na sagot na Audrey.

“Pagkatapos mong mag-OT last week siya naman ngayon? Baka naman iba na ang ino-OT ng illy mo dun?”

“He’s with Mitch ‘di ba? Yung batchmate nio?”

“That Bitch!” si Christina.

“Hey! Don’t call her that. Mitch’s nice. And happy naman sila ng boyfriend niya.”
Pagtatanggol ni Audrey sa isang kaibigan.

“Excuse me, CR lang ako.” Paalam ni Christina sa dalawa habang si Rachelle naman ay tumabi ng upo kay Audrey.

“Oo nga, magmumog ka muna, kung ano-ano na lumalabas sa bibig mo eh. Hahaha!” si Rachelle kay Christina. “Eh bakit nga kasi kayo nagkatampuhan?” Baling naman nito sa isa.

“I don’t know. Okay naman kami eh. Kaso, parang nagkakatabangan na. we seldom talk na lang and super rare case na lang pag lalabas pa kami. I miss him. That’s all. I can see the effort from him naman eh and I understand we were both busy. Pero…  parang nakakapagod din.  I don’t know. “

Napabuntong hininga si Audrey.

“Maybe I’m asking too much… And kapag ako naman ang busy, maybe he feels the same way, too. I know naiinis din siya ‘pag ako naman ang walang time..  Ano sa tingin mo? Feeling ko pabigat na lang kami sa isa’t isa. We are both in the peak of our careers or nag-uumpisa pa lang talaga na umangat kami… Who knows? Baka ‘pag nagtagal pa, mas magiging busy na kami… Baka pag nagtagal pa, maski sa loob ng isang araw ay hindi man lang namin maalala ang isa’t isa?”

“So what are you telling? Susuko ka na lang? makikipag-break ka na?

“I don’t know…..” nangingilid na muli ang mga luha sa mata ni Audrey. “Masakit na eh…..”

“I know she’s hurting, too.” Muni-muni ni Ethan habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng employees’ CR.  Muli siyang napahilamos ng mukha. “Kung ito lang ang paraan…..” Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Audrey.

“Hello.” Nanginginig pa ang boses ng babae na bahagyang nagpatigil din kay Ethan.

“Dinner? Later?”

“ok.”

“I… love you, illy.”

“I love you, too.”

*click*



Binaba na ni Audrey ang phone. Pagkasabi nito ay tuluyang tumulo na ang luha nito at napaiyak sa balikat ng kaibigan.

Bahagya ring nangilid ang luha sa mga mata ni Ethan at nanginig ang mga labi ngunit kinailangan niya itong pigilin. May trabaho pa siyang dapat asikasuhin.


8:00pm sa Ayala Triangle, sa isang kilalang restaurant ay nakaupo na si Ethan. Hindi niya alam pero ito ang tanging lugar na alam niya ay mapagkakasunduan nilang magnobya kung saan dapat magkita. Masyadong naging maikli ang kanilang naging tugunan sa usapan nila sa phone.  Nasa ganito siyang pagmumuni-muni ng dumilim ang paligid.

“Light show…”

Sa di kalayuan ay tanaw na niya ang isang imaheng pamilyar sa kanya.

Nilapitan na niya agad ito.

Inabot ang kamay.

At nagpaunlak namang humawak ang isa pa.

Mahigpit ang paghawak nila sa isa’t isa.

Ayaw pakawalan ang kani-kanilang nasa palad.

Mainit na tinatanggap ang bawat isa.

Gusto nilang yakapin ang isa’t isa.

Ngunit nag-aalangan sila.

Sa tuwing magtatagpo ang kanilang paningin, ay napapaiwas silang muli ng tingin.

Hindi nila alam kung paano babasagin ang katahimikan.

Tumutugtog na nang malakas ang background music ng light show.

Muli na naming umiindak ang mga mumunting liwanag sa kanilang paligid.

Masaya ang lahat ng tao sa paligid nila. Namamangha.

Pero para sa kanila ay wala silang ibang kasama.

Solo nila ang daigdig.

Pumatak ang luha sa mata ni Audrey.

Sa aktong pupunasin ito ni Ethan ay nagsalita siya.

“Masaya ka pa ba sa atin, Ethan?”

Natigilan silang pareho.

“Nahihirapan ka na ba?”

“Pabigat na lang tayo sa isa’t isa.”

“Parehas tayong nasasaktan.”

“So, nahihirapan ka na rin ba?”

“Hindi ka na ba masaya?”

“Pareho tayong walang oras.”

“at nami-miss ang isa’t isa.”

Muling dumilim at tumahimik ang paligid.

Niyakap ni Ethan si Audrey.

Nanatiling nakatayo lamang ito.

“Gusto ko nang sumuko, Ethan.” Umiiyak na sabi ni Audrey.

“Ayokong nahihirapan ka.”

“Ayoko ring nasasaktan ka.”

“Umaasa ba tayo sa wala?”

“Palagi na lang ba tayong ganito?”

“Ang nami-miss ang bawat isa?”

“Paano kung hindi na tayo maghanapan?”

“Hahayaan mo bang mangyari yun?”

“Hahayaan pa ba natin mangyari yun?”

“Gusto mo na ba akong iwan?”

“Gusto mo na rin ba akong iwan?”

“Mahal na mahal kita.”

Humigpit ang yakap ni Ethan kay Audrey.

Yumakap na rin si Audrey.

“Mahal na mahal pa rin kita.”

“IIwan mo na ba ako?”

“Magiging masaya ka ba?”

Lumiwanag ang paligid.  Nalalapit na ang finale ng light show. Masayang nag-aabang ang lahat. Pinapanood ang bawat kutitap ng ilaw sa paligid.

“Audrey, kinakabahan ako.”

Natigilan si Audrey. Maging si Ethan.

Muling nagbalik sa kanilang ala-ala ang lahat.

Ang matamis na simula ng kanilang pag-iibigan.

Ang mga makikintab na liwanag na dumadampi sa kanilang mga pisngi at labi.

At ang ligayang dulot nito.

Ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga dibdib.

Na muli nilang nadarama ngayon.

Gumuhit ang ngiti sa kanilang labi.

“Kinakabahan din ako, Ethan.”

“Bakit?”

“Takot akong mawala ka.”

“Wag kang bibitiw, Audrey, hindi ako mawawala. At hindi rin kita bibitiwan, dahil mas takot akong mawala ka…”

“illy…”

“illy…”

“I love you so much, Ethan…”

“I love you more… and more every day, Audrey…”

Malakas ang naging palakpakan ng mga tao sa paligid. Isang malaking pasabog ng liwanag ang bumungad sa kanila sa kalangitan dulot ng fireworks display. Sinabayan din ito ng magagarbong pagkislap ng Christmas lights sa paligid at nakagagayak na tugtugin. Hindi nila alam kung ito ang unang beses na may fireworks ang light show, pero malalim ang naging kahulugan sa kanila ng gabing ito -- the promise of them together, forever.

photo grabbed from anime.desktopnexxus.com


---------------------------------------------------


“Kinakabahan ka pa?”

“Medyo na lang.”

“Tara, ikain na lang natin yan”

“I love you, illy!”

“I love you, too, illy!”


*illy – (ILY) shortcut sa I Love You na napagkasunduan nilang maging term of endearment.


Part 2 of ♥Orientation




finale is on ♥Resignation
♥Regularization & Promotion ♥Regularization & Promotion Reviewed by flame028 on 5:49 AM Rating: 5

No comments