Home Top Ad

Responsive Ads Here

Paano ka mag-Move On?

Move-on. Salitang kaydaling banggitin, pero kayhirap namang gawin.  Andaling i-advice sa iba, pero 'pag sayo na, nganga. Kadalasan sinasabi 'yan 'pag may na-brokenhearted, larangan man ng pag-ibig, karera, o buhay. Mahirap itong gawin pero hindi maiiwasan. Paano ka nga ba makakamove-on?

Ang pagmo-move on ay parang paggawa ng report. Narasanan mo na bang gumawa ng report pero wala ka ng mailagay? Hindi mo na alam kung saan huhugot pa ng ideya at impormasyon para madugtungan pa ito. Kelangan mong magmove-on. Hindi pwedeng iiwanan mo na lang na hindi tapos ang report mo. Pwede kang tumigil sa paggawa nito pansamantala pero itutuloy at itutuloy mo pa rin ito para matapos. Hindi mo naman pwedeng iwanang hindi ito tapos sapagkat tiyak na lagot ka kay boss kapag wala kang naipasa. Pipilitin mong lingunin ang nagdaan upang may mapunan ka pa para dito. Pero mas higit mong titingnan ang kinabukasan sapagkat kailangan mong tapusin ito. Alam mong dadating at dadating ang panahon kung kelan ito ay tapos na o nasa deadline na. Parang pagmo-move on.

Ang pagmo-move on ay parang pagkain ng instant pancit canton. Andaming flavor. Parang lahat ay paborito mo. May plain lang, pero masarap; madali mong mauubos; madali ka ring mabubusog. Meron ding with calamansi flavor. May konting twist ng asim, may iba ring nagsasabing manamis-namis daw, mas nakakaganang ubusin. 'Yung iba naman gusto ay yung extra hot. May kakaibang sipa. Kahit na pawis na pawis ka na, kahit na pasong-paso na ang dila mo sa anghang nito, kahit ayaw mo ng ituloy, uubusin mo pa rin; samantalang 'yung iba, kahit gusto ng canton, tinatanggihan ito. At dahil d'yan, nagkaroon din ng sweet & spicy. May tamis, may anghang. At mayroon ding chilimansi, may anghang na pinaigting pa ng calamansi. At dahil lahat daw ay mayroong kapares, nagkaroon din ng pansit pares. Masarap ang pancit canton, pero habang tumatagal na nalalasap mo ang sarap, unti-unti mo itong nauubos, ay nakakaramdam ka pa rin ng guilt. Ganyan sila magmove on.

Parang pagca-candy crush lang din daw ang moving on. Mag-uumpisa ka ng napakadali at maraming bonuses. Parang masaya pa. habang tumatagal naman ay nauubos mo na ang bonuses mo, kasabay ng pagkaubos ng available moves mo. Habang tumatagal nagiging komplikado. Kinakailangan mo na ang tulong ng kaibigan mo para sa dagdag na lives or additional moves. O kaya naman ay kailangan mo na ang tulong nila para makapunta ka na sa susunod na stage, mas  komplikadong stage. Lalaruin mo lang ito ng lalaruin, pipilitin mong ma-solve ang puzzle ng candy crush kahit hindi mo na alam ang ginagawa mo, kasi minsan, kahit planuhin mo ang susunod mong galaw, sablay pa rin. Tira lang ng tira kahit hindi mo na din alam ang ginagawa mo. Tapos magsasawa ka na rin. At hahanap na lang ng bagong app na pag-aaksayahan mo ng panahon. Move-on move-on din daw kasi 'pag may time.

May nakapagsabi rin sa akin na ang pagmove on ay parang pakikipag-textmate. Hindi mo alam kung sino ang nasa kabilang dulo ng linya. Hindi mo alam kung may patutunguhan ang ginagawa mo. Hindi mo alam kung nagsasayang ka lang ng oras. Basta ang alam mo, ginagawa mo lang ito upang palipasin ang panahon ng iyong pag-iisa. Sa umpisa, excited ka pa sa palitan ninyo ng messages. Pero habang tumatagal, naiinip ka na rin. Parang umaasa ka lang daw kasi sa wala.

Ang pagmo-move on daw ay parang pagsusulat. Uumpisahan mo kasi may gusto kang patunayan at tapusin. May gusto kang mabuo. Gusto mong tapusin ang isang segment ng buhay mo. Uumpisahan mo ng magiting ito. Tapos, pagdating sa kalagitnaan, mauubusan ka na ng maisusulat. Hindi mo na alam ang isusunod mo. Hindi mo na rin alam kung maganda pa ba ang pagkakasunod-sunod ng isinulat mo. Hindi mo alam kung maayos pa ba ito. Pipili ka na lang ngayon kung itutuloy mo pa ba ang pagsulat o ititigil na lang ito. Sa kagustuhan mong matapos na ito, babalik-balikan mo ang nagawa mo na, hanggang sa nagpapaikot-ikot ka na lang pala. Nasa sa'yo na lang kung pano mo tatapusin. Magiging obra mo ba 'to, o panibagong tambak sa kabinet mo.

Paano nga ba magmove-on?

Nakakatulong ba ang pakikinig ng music? Tapos ang mapapakinggan mo ay mga tugtog na "Before I Let You Go", "Love Will Lead You Back", o kaya ay "We Belong Together"?

Nakakatulong ba ang paggimik? Pupunta ka sa masasarap na kainan. Tapos, maalala mo na ito ang paborito nya'ng pagkain. O kaya naman ay ito ang paborito mong pagkain na ayaw na ayaw naman niya.  Masaklap pa ay kung magtagpo pa ang landas ninyo dito, na parang napaglalaruan kayo ng tadhana.

Paano nga ba magmove-on?

Minsan, naiisip na lang ng iba ay ipagpatuloy ang buhay nila. Hayaan na lang mawala ang dapat mawala. Babalik ito kung makababalik. Sasama sa mga tropa at kaibigan. Iinom. Kakain. Iiyak. Tatawa. Titigil. Balik ulit sa umpisa. Hanggang sa makalimutan ang masalimuot na karanasan. Tapos ipagpapasalamat na nangyari ito. Na inihahanda lang daw sila to something better. Something they deserve. Tapos magyayaya ulit ng kaibigan. Iinom. Kakain. Iiyak ulit. Tatawa. Titigil. Isang cycle na hindi maiiwasan. Pero dadating ang panahon na makakaget over din. 

Ano pa man ang pamamaraan ng iyong pagmove-on, ang importante ay ang aral at karanasan na natanggap mo. Bagay ito na magpapalakas at makapagpapabuti pa ng iyong pagkatao. Huwag kang magtatanim ng galit o muhi sa puso mo, hindi iyan ang magiging sandata mo para hindi ka matinag. Bagkus, yan pa ang magpapabigat ng dalahin mo. Let go. Pakawalan mo ang lahat ng kinikimkim mo, huwag mong pigilin, huwag mong itago. Mahirap, pero kailangan. Malabo. Ikaw? Pano ka ba magmove-on?

Paano ka mag-Move On? Paano ka mag-Move On? Reviewed by flame028 on 2:48 PM Rating: 5

No comments