Nasaan ang Rainbow?
Sa isang biglaang pagkakataon, may kumausap sa akin at nagtanong ng seryoso. Nasaan daw ba ang rainbow?
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa hagikgik ko. Seryoso daw kasi. Sumagot na lang din ako ng patanong.
"Seryoso ka ba? Hindi mo alam kung nasaan ang rainbow? Hindi ka pa ba nakakakita niyan?"
Alam daw niya. Pero hindi daw ung literal na rainbow ung tinutukoy niya.
Iba.
Yung s'yang nagbibigay kulay daw sa buhay natin.
Parang lagi na lang daw kasing puro ulan. Hindi na umaaraw. Wala ng kulay ang buhay. And no, hindi siya kakanta ng sinabawang gulay.
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko dito. Nagpipikunan lang kami nang bigla siyang nagtanong ng seryoso. Kaya sumagot na lamang ako ng kung ano ang sa palagay ko'y makatutulong.
"nasa sa'yo 'yan kung pa'no mo dalhin...
'pag sobra ang ulan, masama
'pag sobra ang araw, masama
'pag kulang ang ulan, masama
'pag kulang ang araw, masama pa rin
hindi mo na alam gagawin mo.. alin gugustuhin mo?
gawin mong parang umaaraw kapag umuulan
gawin mong parang umuulan kapag umaaraw
ang mahirap kasi..
may hinahanap tayo palagi
kung saan-saan.. kung kani-kanino..
pero lahat ng kelangan natin, nasa sarili na natin..
kung hindi mo makita 'yung rainbow na hinahanap mo...
hindi mo kasi hinahanap sa sarili mo...
hinahanap mo sa iba.."
Hindi ko alam kung tama ang sinabi ko. Pero sa palagay ko, kagaya na rin ng karamihan ng mga cliché, sa sarili natin matatagupuan ang kaligayang inaasam natin.
Kung nasaan ang rainbow? Hindi ko rin alam.
Nasaan ang Rainbow?
Reviewed by flame028
on
4:24 AM
Rating:
No comments