Home Top Ad

Responsive Ads Here

Coffee Talk


Sabado ng umaga. Walang trapik. Sikat ang araw habang may mga puti-puting ulap sa kalangitan. Maganda ang panahon, masigla ang lahat.

Puno ng mga tao ang isang kilalang coffee shop sa may Shaw Boulevard. Dinarayo talaga ito ng mga taong nais magpa-good vibes sa umaga. Masarap talaga ang kape nila, at hindi kasing mahal ng mga sikat na corporation-owned coffee shops.

“Sa wakas. Masusubukan ko na rin magkape sa lugar na ito. Matagal ko nang plano ‘to eh, ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy.” Masayang pasok ni Dren sa loob ng shop.

“Badtrip talaga. Pauwi ka na nga lang, may sisira pa ng mood mo.” Sabay higop ng mainit na kape itong si Crystal habang patuloy sa pagswipe-swipe sa kanyang tablet. Mukhang bad vibes pag-uwi galing sa work.

“Isang iced caramel macchiato, decaf.” Pag-order ni Dren ng kanyang inumin. Tila hindi batid na puno at wala ng mauupuan sa loob ng coffee shop. “Yun lang ang problema ko. Saan pala ako uupo nito?” habang tumatanaw-tanaw sa paligid. 

Nakakita siya ng isang bakanteng upuan sa isa sa mga table na nasa labas ng shop.

“Miss, are you with someone? Pwedeng maki-share ng table?” Paglapit niya sa kinaroroonan ni Crystal.

“Sure. No problem.” Matipid naman niyang sagot. Halos hindi siya tumingin sa kinakausap, at patuloy ito sa paggamit ng kanyang tablet. Mukhang busy sa page-email at ito ang kinaiinitan ng ulo. Gayunpaman, hindi niya ito pinakita sa kausap.

Nakatingin lang sa kanya si Dren. Tila inaaninag ang mukha ng kausap. “Si Crystal ba ‘to? O mukhang naaalala ko na naman siya at nakikita ko ang mukha n’ya sa babaeng ‘to?”

Nakatitig pa rin sa mukha ni Crystal si Dren habang dahan-dahang umuupo sa harapan nito.  Napansin naman ito ng kaharap kaya’t napatingin din siya ng bahagya dito.

“Si Dren ba ‘to?” Biglang napaisip ang babae. Ayaw na niya sanang ipahalata na namukhaan n’ya ito pero hindi man nila aminin, sa pagtatamang iyon ng kanilang mga mata, nakilala nila ang isa’t-isa, ngunit walang naglakas ng loob na umamin o magbanggit tungkol dito.

Mabilis na umiwas ng tingin si Crystal at nagpatuloy sa pag-email, ngunit sa panahong itp, hindi na sa binabasa nakatuon ang kanyang isipan. Tila tumigil ang inog ng paligid sa pagkabigla niya. 

“Ano’ng ginagawa n’ya dito? Bakit siya nandito? Omg… Kakausapin ko ba siya? Tatanungin ko ba siya? Omg. Omg!”

“Now, I’m sure. Si Crystal nga ito.” Habang nakatingin pa rin sa babaeng nasa harap niya. “What should I tell her? How can I approach her? Oh wait. I already DID approach her. But, what am I gonna tell her? Paano ba ako mag-iistart ng conversation sa kanya? Will she talk to me?” Bahagyang may lungkot sa huling tanong na dumapo sa isipan n’ya.

Uminom muna s’ya ng kape.

Bumuntong-hininga.

Bumwelo na siya ng pagsasalita.

Pero biglang yumuko at may hinanap sa bag ang kaharap.

“No. Makikipag-usap siya sa akin. Alam ba n’ya na ako ito? If he knows na ako ito, then why would he approach me? I don’t want to talk to him! Ever!” tila bumalik na naman ang init ng ulo.
“Aalis na lang ako. Or maybe not. Baka mas lalong humabol sa akin ‘to at mag-eskandalo pa. Omg. What should I do? Shucks. Think, Crystal, Think!” patuloy pa rin siya sa paghahanap ng wala naman talagang hinahanap na gamit sa bag. “I know. I’ll just sit here, and pretend that I’m not the girl he knows. Or better yet, just ignore him. Kung si Dren nga ‘yan, he would know why I’m ignoring him.”

“Miss, did you lose something?”

“Ha?” tila biglang napako si Crystal sa pagkakatitig sa bag n’ya.

“I mean, may nawala ba sa’yo?”

“OO! MALAKI ANG NAWALA SA AKIN!” ang gusto n’yang isagot. “but, did he just call me miss? So, okay. Hindi n’ya ako nakilala. That’s great.”

“Wala, akala ko lang kasi naiwan ko sa office yung phone ko, but here it is, I have it.” Sagot nya’ng may ngiti sa labi.

Muntik ng mahulog sa kinauupuan si Dren ng makita ang matamis na ngiti ni Crystal. Ang mundo naman niya ngayon ang biglang tumigil at napako ang tingin nya sa kausap. 

“Hey, did you lose something?” sabay pitik ng daliri habang kinakaway-kaway ang kamay sa harap ng kausap. 

“Ha? Wala. Napatingin lang ako sa phone mo, I’m trying to confirm, that’s the latest model right? You have the latest gadgets pa rin.”

“Pa rin? He knows! Then, what is he trying to do? Why didn’t he call me by my name? Bakit miss ang tawag n’ya kanina? Shucks. Matalino ka talaga, dren. Matalino ka talaga.” Sagot n’ya sa isip habang nakatingin sa kausap.

“May nasabi ba ako, miss?”

“Wala naman. Gift lang naman ‘tong phone ko sa akin. Mahal kaya n’yan.”

“Gift ng daddy mo?”

“How did you know?” “okay, so he still knows.” bulong nya sa sarili.

“Lucky guess lang. Kung ako kasi ang boyfriend mo, hindi ako maggi-gift ng ganyan. Ang mahal kaya.”

“So kuripot ka pa rin?”

“Excuse me?”

“Hahah. Kuripot ka pala.” Natawa na lang din sa sariling pagkadulas si Crystal.

“Hahah. Of course not. I’m just trying to be practical. Ipang-di-date na lang namin yun ‘no. Mas masaya kaya ‘yun.” Sa ngayon, kumbinsido na si dren na ang kausap nga niya ay ang matagal na niyang pag-ibig. Sa ngiti pa lang ay hindi na niya maikakaila ito.

Bigla naman nagbago ang ngiti sa labi ni Crystal. Naalala na naman niya ang nakaraan.  “Masaya pala kayo ng gf mo ‘pag nagdi-date kayo.” Mapait na ngiti niya sa kausap.
“I said, if I were YOUR boyfriend.” May pait din ang kanyang sagot na tila nagiging seryoso na.

“But I’m not your girlfriend. Too bad. In fact, you don’t even know me.” Tila may paniniguradong tanong ng isa.

“Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ni dren.

“Why the f is he asking my name? Gusto ba niyang ako pa ang unang magpakilala? Grabe ka talaga, Dren! Grrrr.” Ngumiti na lang siya at nagsabing “You won’t get any answers just like that.” Humigop siya ng kape pagkasabi nito. At muling humarap sa kanyang tablet.

Bahagyang napatigil si Dren sa sagot ng kausap.  “I understand.” Uminom rin siya ng kanyang kape. Napatingin sa kanya ang kausap. Muli, nagtama ang kanilang mga paningin kahit sandali. Sa kabila ng maliliit na pag-uusap na para bang hindi sila magkakilala, ngayon ay alam nilang dama pa rin nila ang pait ng kanilang kahapon. 

Bilang masayahing tao, muling nagsalita si Crystal. “You still won’t get my name.” nginitian niya ang kausap. Ayaw niya, pero siya man ay naguluhan kung bakit n’ya ginawa ito.

“Masarap itong coffee. Palagay ko dadayo ulit ako dito para magkape. Mukhang madami ang laging nagkakape dito ah! Madalas bang punuan dito?” 

“Hindi ko alam eh. Sabi. First-time ko lang dito eh.”

“Talaga? First-time ko lang din dito eh. Unang beses. As in first-time. I won’t forget this place.”

Alam ni Crystal ang tinutukoy ng kausap na ‘first-time’. Kung tutuusin, ito talaga ang unang beses nilang nagkita ni Dren. Mahigit sampung taong magkakilala, pero ngayon pa lang sila nagkita ng unang beses. Mas lalong bumibigat ang pagtibok ng puso nito. Ang kaninang kaba at gulat, ay napapalitan na ng lungkot at pait. Hindi ito maikakaila ng taong nasa kanyang harapan.

“It’s our first-time together here.” Si Dren.

“Excuse me?”

“First-time natin pareho dito. Tama ba?”

“Yeah. What a coincidence.”

“Napanood mo na ‘yung That Thing Called Tadhana ‘di ba?”

“Nope. I haven’t.” pagkakaila ni Crystal. 

-----

“Napanood mo na ung That Thing Called Tadhana? Panoorin mo. Ang pogi dun ni JM. Bilis!”

“Hindi pa. Wala naman akong balak manood ng ganun sa sine, no? Bakit ba? Ano’ng meron dun sa movie? Sino si JM? Si Angelica lang habol ko dun kung papanoorin ko yun. Haha!”

“Basta panoorin mo! Maganda ‘yun.”

“Okay. I’ll try.”

“Hindi mo naman papanoorin ‘yun eh. Hmp! Kuripot mo talaga! Dapat nanonood ka rin sa sine kahit paminsan-minsan. Hindi ‘yung puro ka download. Haha!”

“Hoy! Nanonood kaya ako sa sine. Haha! Pero yung mga tingin ko lang, maganda yung effects.”

“Huuu. Palusot pa. Ayaw mo lang aminin na kuripot ka talaga. Sa youtube daw meron nang nag-upload. Pero hindi malinaw. Cam lang na kuha sa sinehan. Tyagain mo na. Kuripot ka naman eh. Naks! Manonood na yan! Hahah!”

“Hindi kaya. Hahah! Hindi ko naman alam ‘yung link eh.”

“Basta search mo.”

----------

“Are you sure you haven’t watched that film?”

“Yes. I’m sure. Bakit mo tinatanong?”

“Wala naman. Coincidence. Tadhana. Pareho lang ba ‘yun?”

“Nope.”

“What made you say so?”

“Ano ba’ng pake mo? Eh tingin ko magkaiba yun eh.”

“Taray ah. Sorry.”

“Hahah! Ang serious mo kasi. Look at your face. Haha!”

“Ok.” Napangiti na lang si Dren sa sagot ni Crystal. “Dati na siyang ganyan. Mag-uusap kayo. Magtatanong ka ng seryoso. Sasagot siya nang pagalit na para bang nairita sa sinabi mo, tapos bigla kang pagtatawanan. Wala ka pa ring pinagbago, Crystal. Ikaw na ikaw pa rin.” Sa isip naman niya.

“Uy, Peace tayo ha. Joke lang naman ‘yun.” Pakikipag-ayos ng isa sa inaakala nyang nagtampong kausap dahil sa pananahimik nito.

“Haha. Ayos lang ako. Lakas mong mantrip ah.” Nakangiting sagot ni Dren.

“Napanood ko na ‘yung movie. Ayoko lang maniwala sa tadhana. Parang tadhana ko na yata ang masaktan eh.”

“Oh, ikaw naman ang serious ngayon.” Nakangiti pa rin si Dren.

“Ayaw mo eh ‘di wag.” Bumalik naman siya sa paggamit ng tab.

“I know, you would disagree with me, but I guess, you are wrong. Kung nasaktan ka, ibig sabihin, hindi pa ‘yun yung tadhana mo. Siguro some things are still bound to happen. Some things na hindi mo iniisip or inaakala, pero dapat munang mangyari. Para i-ready ka sa tadhana mo, where you’ll be happy. “

“Ganun ba? Kaya bigla-bigla ka na lang magugulat sa tadhana mo? ‘Yung akala mong matutupad na ‘yung tadhanang inasam mo, bigla, masasaktan ka na lang dahil may ibang dapat pa palang mangyari? Dapat masaktan ka muna? Ugh! Don’t mind my asking. I don’t need any answers. I’m done with it. Nakamove-on na ako!”

“What you don’t know won’t hurt you. Pero minsan, what you don’t know is slowly killing you na pala.”

“I don’t want to know. I don’t want to listen. Basta alam ko na. Akala ko lang talaga, noon. Akala ko lang talaga. Alam mo ‘yun? Yung akala mo magiging ok na ang lahat? ‘Yung feeling mo na finally, you’ll be with your one long and true love. Tapos biglang hindi pala? Yung akala mo, finally makakasama mo na ‘yung tadhana mo? Yung akala mo hindi ka na masasaktan at finally, you are able to tell that someone you love him, tapos hindi pa pala? ‘Yun ba yung something na sinasabi mo? ‘Yung masasaktan ka muna bago mo makuha ang tadhana mo? Shit naman. I’ve been hurting for a long time, and when I thought na finally, there is this someone who will heal all the pain, because it’s true love, then what? Kailangan ko pa rin masaktan? Alam mo, matalino ka eh. Matalino ka.” May pangingilid ng luha sa mga matang hindi na makatingin sa kausap.
Gusto na niyang tumayo, pero hindi n’ya magawa. Gusto na n’yang iwan ang kausap at lumayo na lang, pero hindi n’ya alam ang dahilan kung bakit tila naghihintay pa siya. Naghihintay siya sa maaaring sabihin o gawin ng kausap. Sa pag-aakala n’yang nakalimutan na n’ya ang lahat, heto, at ramdam na ramdam pa rin pala niya. Umaasa siya ngayon. Pero hindi n’ya alam kung ano ang inaasahan niya. Napakapamilyar ng kanyang nararamdaman. Parehong sakit tulad ng kahapon.

--------

“Nung binabaan mo ko ng telepono, siya ba ‘yung tumatawag nun?”

“Oo. Siya ‘yung tumawag. I’m sorry.”

“So, that time pa lang pala, may gf ka na. Congrats. Congrats sa inyo.”

“Hindi naman dapat talaga kami eh.”

“No. You don’t have to explain, dren. I’m happy for you. Finally, nagka-gf ka na rin. ‘wag mo na lang gawin sa kanya ‘yung ginawa mo sa akin. ‘Yung bigla na lang palang may gf na ‘yung taong nagsasabi sa akin na mahal daw niya ako. Bad yun, dren.”

“Biglaan lang ‘yung nangyari. Dare lang ‘yun tapos nagulat na lang ako na kami na. I didn’t …”

“No. Stop it, please. Ayoko nang makarinig pa ng mga lies mo. Ano yung biglaan? Overnight lang naging kayo na? Of course, dren, niligawan mo ‘yun kaya naging kayo. Meaning, while you are lying to me saying you love me, you are saying those exact words to her!”

“No. Totoo yun, Crystal. Biglaan lang. Magkausap lang kami nung gabi dahil wala akong magawa tapos nagdare lang siya na maging kami na pinatulan ko. Hindi ko sineryoso ‘yung dare n’ya pero nagulat na lang ako na naging kami na nga. Lumabas sa facebook kaagad ‘yung relationship request ng kahit walang approval at marami ng nakakita. Wala akong magawa kundi pangatawanan na lang ‘yun. But I guess you’re right. Kasalanan ko ang lahat. Nung mga panahon na hindi tayo nagkakausap, nainip ako. Nagtry ako makipagchat. At ‘yan ang napala ko. I’m so sorry. I was such a fool. I’m so sorry. Dapat naghintay na lang ako sa’yo. Just one night, tal. Just one night. Yan ang napala ko. I shouldn’t have installed that app. Bakit ba kasi nagawa ko yun. I was fine waiting for you all the time, tapos kung kelan nagkakausap na tayo, tyaka pa ako nakipagchat ulit.”

“Don’t waste your effort explaining. I’m no longer listening to your lies. Grabe. All those times I thought ikaw na nga. All those times, I believed, ikaw nga siguro ‘yung totoong nagmamahal sa akin. All those times, pinigil ko ang sarili kong masabi sa’yo ang nararamdaman ko. Dren, when I was away, pinag-iisipan ko ng husto ang nararamdaman ko para sa’yo. And when I was away, dun ko nalaman na magiging madali ang pakikipaghiwalay ko sa kanya dahil alam kong may isang dren na tunay na nagmamahal na handang sumalubong sa akin. Only to find out, may iba ka pa palang sinasabihan ng I love you? Yes, dren. I loved you. I really did. All the time na sinasabihan mo ko ng mahal mo ko, gustong gusto ko ring sumagot nun. Tapos, eto. Kung kelan nakapagdecide na ako… Matalino ka nga, dren. Alam mo talaga kung paano ka magkakaroon ng gf kung kelan mo gustuhin. You really know how to make people love you. Matalino ka nga. Matalino ka.”

------

Hindi nakahuma si dren sa mga narinig. Napakapamilyar na sakit sa dibdib ang tumimo sa kanya. Alam niyang lahat ng sakit ay hindi lamang sa dibdib niya nakatanim. Batid niyang mas matindi ang sakit na kinikimkim ng kanyang kaharap. Bagay na lalong nagpasakit sa nararamdaman niya. Alam niyang siya ang dahilan ng lahat ng pasakit na dinarama ng babaeng minamahal niya. At wala siyang magawa. 

“I’m sorry. I didn’t know you were still hurting. I shouldn’t have asked you that. I shouldn’t have done that. I know, my sorry won’t do anything. My sorry can’t ease the pain you’re feeling right now. My sorry won’t correct any mistakes from the past. But that’s all I have, and I’m not good with it. It seems, naaabuso ko lang ang salitang sorry. I’m sorry, tal.” 

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Crystal sa kanyang pisngi.  Tahimik siyang humihikbi. Damang-dama muli ang sakit.

Hindi malaman ng kaharap niya ang gagawin.  Gusto niyang punasin at patigilin ang bawat butil ng luhang gumuguhit sa pisngi nito.   Kinuha niya ang kanyang panyo at sinubukang dampian ang pisngi ng kanyang mahal, ngunit tinabig lang nito ang kanyang kamay.  Natigilan sandali si Dren, gusto niyang bawiin ang kamay nya sa pagkakataong iyon, pero pinili niyang subukang idampi itong muli.  Kahit sa ganitong paraan, ay masubukan man lamang niyang pigilan ang pagluha ng babaeng pinakamamahal.  Malambot ang pisngi nito, kauna-unahang pagkakataong mararamdaman nila ng pisikal ang isa’t isa.  Hindi isang pagkakamay o pagholding-hands, hindi pagyakap o pagsagian man lamang ng siko at braso, kundi ang dulo ng mga daliri, dumadampi sa pisngi, upang pahirin ang luha.  

Hindi nila ginusto ang mga pangyayari. Tila nagpalalaruan sila ng tadhana.  Kahit anong punas ng panyo, hindi nito maalis ang marka ng bawat luhang mula sa mga matang ngayon lamang niya nasilip.  At sa bawat pilit niyang pigilan ang pagluha ni Crystal, hindi niya namamalayan ang pamumuo ng luha sa sarili niyang mga mata.

Hinawakan ni Crystal ang kamay ni Dren.  Unang pagkakataong maghawak nila ng kamay. Parehas nilang hindi alam ang gagawin.  At kahit pa may luha ang kanilang mga mata, nakuha pa rin nilang tingnan ang bawat isa.  Ito rin ang unang pagkakataong mapagtama nila ang kanilang mga mata ng tila nangungusap.  

“Mahal kita.” Ang bulong ng isipan nila.

“Mahal na mahal kita.” Ang sigaw ng bawat pintig ng kanilang mga puso.






End.






Or not. ñ.ñ
Coffee Talk Coffee Talk Reviewed by flame028 on 2:01 PM Rating: 5

No comments