Home Top Ad

Responsive Ads Here

Kahit akala mo wala na, kaya pa yan. =)



Akala ko noon ay marami na akong alam.  Marami ng alam para magturo, magsalita, magsulat.  Akala ko ay sapat na ang mga nalalaman ko para masabing karapat-dapat na akong magbahagi ng mga nalalaman ko. Akala ko, marami na akong alam. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

Akala ko, alam ko na ang lahat.  Ngayon, napagtatanto kong hindi ko pala alam.  Ang inakala kong alam ko na noon, buong ingay ng isipan kong isinisigaw ngayon na hindi ko alam.

Hindi ko alam gagawin ko sa buhay ko.  Akala ko, alam ko na kung ano ang gusto kong mangyari sa akin.  Hindi pa rin pala.  Akala ko magiging masaya na ako kung pinili kong magpatuloy pa, hindi pala. Hindi ko alam kung ano ang magpapasaya sa akin kung magpapatuloy pa ako.

Hindi ko alam na ganito pala mamuhay sa mundo ng kaguluhan.  Hindi ko alam kung ano o paano isasaayos ang lahat ng sa tingin ko ay magulo.  Akala ko kaya kong iayos ang lahat. Hindi ko pala alam kung paano isasaayos ang lahat.

Hindi ko alam ang gagawin ko.  Akala ko, mabuti akong tao. Akala ko, karapat-dapat akong magturo kung paano maging mabuti. Hindi pala. Hindi ko pala alam kung paano magpakabuti.  

Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang pagtatrabaho ko. Pakiramdam ko, ang bawat byahe ko pagpasok, ay byaheng magdadala sa akin sa kamatayan.  

Sa totoo lang, ayoko na. ayoko ng magpatuloy. Hindi ko alam kung tama pa ang mga sinasabi ko.  Hindi ko alam kung karapat-dapat pang maisulat, makita, o mabasa pa ang mga ito.  Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng sumuko ng paulit-ulit. Hindi ko na kaya pero hindi ko rin alam bakit nagpapatuloy pa ako.
 

Kahit akala mo wala na, kaya pa yan. =) Kahit akala mo wala na, kaya pa yan. =) Reviewed by flame028 on 3:29 PM Rating: 5

No comments